Isang tindahan sa may Jumaa Market (Massafi Market) sa Fujairah ang binigyan na ng closure order ng mga otoridad.
Ito ay matapos kumalat ang video ng isa sa mga empleyado na huling-huli na naglilinis ng kuko, gamit ang kutsilyo para sa pagkain.
Ayon kay Mohammad Saif Al Afkham, Director ng Fujairah Municipality, agarang pumunta ang mga inspection at control teams para magsagawa ng karampatang aksyon.
Nahaharap sa iba’t ibang disciplinary measures ang naturang empleyado at maging ang tindahan dahil sa paglabag nito sa health hygiene guidelines ng Fujairah.
Dagdag ni Al Afkham, ang insindenteng ito ay dapat na maging mahigpit na paalala sa iba pang mga pamilihan na dapat ay laging sumunod sa mga patakarang inilatag na ng munisipalidad para sa kaayusan at kalinisan.
Pinapaalalahanan din ng mga otoridad na ang lahat ng mga pamilihan ay dapat sumunod sa mga food safety controls at iba pang mga health and hygiene rules ng bansa para masiguradong protekado ang kalusugan ng publiko. (ES)
The post Tindahan sa Fujairah, sinara matapos mahuli ang empleyadong gumamit ng kutsilyo para panlinis ng kuko appeared first on The Filipino Times.
Source: Fililpino Times

No comments:
Post a Comment