Dalawang negosyo ang pinasara na sa Dubai matapos mahuli na hindi sumusunod ang mga ito sa mga patakaran ng bansa para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Kabilang dito ang isang Shisha cafe sa may Oud Metha at isang salon sa Naif na nahuling dahil labis ang dami ng tao sa mga naturang lugar.

Ipinagutos ng Dubai Municipality ang pagpapasara sa mga lugar dahil sa hindi pagsunod nito sa mga patakarang pangkalusugan at pangkaligtasan ng Dubai.

Bukod dito, nagpataw din ng multa ang mga otoridad sa walong lugar at nagbigay din ng warning sa 15 na iba pa dahil sa iba’t ibang mga violation.

Umabot sa 2,274 na mga inspections ang naisagawa ng mga otoridad nito lamang Huwebes.

Pinapaalala at pinakikiusapan ng mga otoridad ang publiko na i-report ang mga lugar na lumalabag sa mga COVID-19 guidelines sa pamamagitan ng pagtawag sa hotline na 901.

The post Shisha cafe at salon sa Dubai, pinasara dahil sa overcrowding appeared first on The Filipino Times.


Source: Fililpino Times

No comments:

Post a Comment