Pinarangalan at kinilala ng Dubai Roads and Transport Authority o RTA ang apat na mga driver dahil sa kanilang katapatan at bukal sa loob na pagtulong sa mga turista at residente ng naturang emirate.

Ipinatawag ni His Excellency Mattar Mohammed Al Tayer, Director-General at Chairman of the Board of Executive Directors ng RTA ang apat dahil sa kanilang kabutihang loob para maging ehemplo sa iba pang mga driver.

“We pride ourselves on having employees with such integrity and morals in the RTA. The four drives conducted themselves properly in dealing with the public, be it in upholding the principles of integrity or lending a hand to people in need. This sort of conduct underscores our confidence in the loyalty, integrity and good manners of our staff in public transport means that lift thousands of passengers each day. Such a practice will boost the public confidence in using public transport and taxis in Dubai,” ani Al Tayer.

Napansin ng taxi driver na si Firos Charupadikkal na may naiwang bag sa kanyang sasakyan na punung puno ng mga mamahaling gamit. Agad niya itong sinabi sa kanyang kumpanya para maibalik sa turistang nag ma-may-ari nito sa madaling panahon.

Sa ibang insidente naman ay tumulong ang mga bus drivers na sina Hassan Khan, Aziz Rahman at Hussein Nazir sa isang babae na nasiraan ng sasakyan. Pinalitan nila ang gulong nito para maka-byahe muli ang babae patungo sa kanyang destinasyon.

Lubos na nagpasalamat ang apat na mga driver sa kanilang natamong pagkilala. Hinayag nila na isang malaking karangalan ang mabigyang pansin ang kabutihan na kanilang ipinamalas dahil ito ay magsisilbing gabay para sa iba pang mga driver sa Dubai.

The post Taxi driver na nagsauli ng naiwang bag na puno ng mamahaling gamit, pinarangalan sa Dubai appeared first on The Filipino Times.


Source: Fililpino Times

No comments:

Post a Comment