Lubog sa baha at mga ari-arian na nasira ang mga larawan na kumalat sa social media Linggo ng umaga bilang epekto ng ulan na dala ng Bagyong Auring.
Isang bahay sa Tandag City, Surigao del Sur ang nakuhanan ng video na tinangay ng rumaragasang baha.
Kuha ang video na ito ni Jomarie Tubo na nakatira malapit sa ilog sa Dawis.
Ayon sa kanya, hanggang dibdib na ang taas ng tubig sa kanilang lugar kaya naghahanda na silang lumikas nang makita nila ang inaanod na bahay.
Nailikas naman ang mga residente sa kanilang komunidad sa evacuation center, ngunit kahit mga evacuation centers, hindi naging ligtas sa baha. May mga kuwarto sa isang paaralan sa lungsod ang binaha madaling araw ng Linggo.
Sa mga litrato na kuha ni Rogilyn Landero, makikita ang isang bakwit na natutulog sa higaan kahit binaha na ang kuwarto na kanilang tinutuloyan.
Ayon sa weather bureau ng Philippine Atmospheric, Geophysical and. Astronomical Services Administration (PAG-ASA), tinatayang mag-landfall ang bagyo sa Dinagat Islands-Eastern Samar- Leyte area mamayang gabi or bukas ng umaga. (ES)
Banda alas 4 amoy amo ingka mathan na min sud na ang tubig sa room. Isig pukaway ng amo mga kaiban kay dalie da min sud…
Posted by Rogilyn Mantalaba Landero on Saturday, February 20, 2021
The post Mga lugar sa Tandag City, Surigao del Sur, binaha kahit hindi pa nag-landfall ang bagyong Auring appeared first on The Filipino Times.
Source: Fililpino Times

No comments:
Post a Comment