Isang teenager ang natunton ng mga otoridad sa Dubai matapos itakas nito ang sasakyan ng kanyang ama.

Lumapit ang ama sa Dubai Police para mahanap ang kaniyang anak matapos malamang nilabas nito ang sasakyan nang walang paalam. Bukod dito, wala pang lisensyang magmaneho ang kanyang 16-anyos na anak.

Agarang umaksyon ang mga otoridad matapos ipagbigay alam ng ama ang hitsura ng kanyang anak at ang detalye ng kanilang sasakyan.

Natunton ng mga otoridad ang teenager kasama ng mga kaibigan nito sa isang petrol station. Nang makita ang batang lalaki ay pinagbigay alam agad ito ng mga otoridad sa kanyang ama.

Paalala ni Brigadier General Saeed bin Sulaiman Al Malik, Direktor ng Al Rashidiya Police Station na dapat ay laging maging maingat ang mga magulang lalo na sa kanilang mga anak na nagmamaneho nang walang lisensya.

Nagbabala si Brig. Al Malik na ang mga batang nagmamaneho nang walang lisensya ay kalimitang nauuwi sa trahedya at aksidente dahil sa panganib na hinaharap ng mga ito sa kalye.

The post Teenager, hinanap ng ama kasama ng Dubai Police matapos itakas ang sasakyan appeared first on The Filipino Times.


Source: Fililpino Times

No comments:

Post a Comment