Nadakip ng Dubai Police ang isang lalaking European matapos itong magsuot ng abaya at niqab para makapagnakaw sa isang villa.

Napagalaman ng mga otoridad na gumamit ang suspek ng lagari para pwersahang buksan ang isang kaha de yero.

Sumugod agad ang mga otoridad sa villa nang maganap ang insidente.

Napagalaman ng mga otoridad na gumamit ng lagari ang suspek dahil sa mga naiwang bakas ng copper sa loob ng villa.

Nakita ng mga pulis ang isang abaya at niqab sa bahay ng suspek at maging ang isang maliit na piraso ng copper mula sa paglalagari sa damit nito.

Umamin naman ang suspek sa krimen nang ipakita sa kanya ng mga pulis ang mga nakalap na ebidensiya.

The post Lalaki, arestado matapos magsuot ng abaya para magnakaw sa isang villa appeared first on The Filipino Times.


Source: Fililpino Times

No comments:

Post a Comment