Ayon sa Dubai Health Authority (DHA), ang lahat ng na-expose sa isang taong nagpositibo sa COVID-19 ay kakailanganing mag-quarantine ng 10 araw.
Kabilang dito ay ang mga taong nakapagpaturok na ng unang dose ng COVID-19. Kung papatak ang inyong second dose sa 10 araw ng mandatory quarantine ay hindi po muna kayo makakapagpaturok, ayon sa mga otoridad.
RELATED STORY: Vaccinated individuals not exempt from 10-day quarantine in Dubai when exposed to positive COVID-19 case
Dagdag pa DHA, hindi pwedeng lumbas ang sinumang kabilang sa mga ‘close contact’ ng taong nagpositibo sa COVID-19.
Ang ‘close contact’ ay isang taong nanatili ng mahigit 15 minutos at may distansyang hindi lalabis ng dalawang metro sa taong napag-alamang nag-positibo sa COVID-19.
READ ON: DHA urges individuals exposed to positive COVID-19 case to complete 10-day quarantine
Matapos makumpleto ang 10 araw na walang sintomas, maaaring tumawag sa 800342 para magpa-reschedule ng inyong appointment para sa second dose.
Can I get my 2nd dose of vaccine if I am quarantining because I was in close contact with a positive COVID-19 case?#TogetherWeRecover pic.twitter.com/8yGNK6oITH
— هيئة Ø§Ù„ØµØØ© بدبي (@DHA_Dubai) February 16, 2021
The post FAQS: Kapag ako ay na-expose sa COVID-19 matapos ng first dose, kailangan ko bang magquarantine? appeared first on The Filipino Times.
Source: Fililpino Times

No comments:
Post a Comment