Binenta ng isang transport company driver sa Dubai ang bus ng kumpanya sa halagang AED 13,000.

Napagalaman ng Dubai Public Prosecution na ninakaw ng naturang driver ang bus mula sa sarili nitong kumpanya.

Ayon pa sa records ng korte, ang lalaki ay isa sa mga nagdadala ng mga trabahante patungo sa kanilang trabaho. Kamakailan lamang ay na-promote pa ang suspek bilang isa sa mga supervisor sa kumpanya.

Napagalaman ng mga otoridad na nakakuha ng kopya ng susi ng bus ang suspek.

At dahil alam ng suspek na walang tao sa parking bay kada weekends, doon nito ginawa ang pagnanakaw at madaliang pagbebenta ng bus.

Kinabukasan ay nagtaka ang isa pang driver kung bakit nawala ang bus sa naturang parking bay. Tinawagan nito ang supervisor, na siya namang nagsabi na tumawag ng pulis.

Nahuli ng mga otoridad na ang supervisor mismo ang gumawa ng pagnanakaw sa pamamagitan ng footage mula sa CCTV camera.

Umamin naman ang lalaki sa krimeng kanyang ginawa.

The post Bus driver sa Dubai, huli matapos ibenta ang bus na ninakaw mula sa kumpanya appeared first on The Filipino Times.


Source: Fililpino Times

No comments:

Post a Comment