Isang apat na taong gulang na bata na unang naiulat na nawawala ang natagpuang patay na sa loob ng isang eco bag sa San Fernando, Pampanga.
Isinilid sa isang ecobag at itinapon sa talahiban ang bangkay bago ito natagpuan sa tulong ng isang tricycle driver nito lamang Miyerkules, ika-17 ng Pebrero, ayon sa impormasyon mula sa Police Regional Office Region 3.
Ang tricycle driver ang naging susi upang matukoy ang mga suspek.
Ayon naman kay Police Lt. Col. Soledad Elefanio, ng Police Regional Office 3 public information office, nakakita ng driver ang isang tao na may dala-dalang kahina-hinalang eco bag.
Nung nalaman ng driver na may batang pinaghahanap ng kaniyang mga magulang simula pa noong Pebrero 16, binanggit niya ang kanyang natunghayan sa mga otoridad.
Sa isang hot pursuit operation, nahuli ang magkambal na itinuro ng driver. Umamin naman ang dalawa sa nagawa nilang krimen.
Ayon sa mga suspek, nangangailangan lang talaga sila ng pera kaya nila napagdiskitahan ang cellphone na hawak ng 4-anyos na bata. Gagamitin sana ng mga suspek ang pera na makukuha mula sa pagbenta ng cellphone para sa isang “audition”.
Sa ngayon inaantay pa ng mga otoridad ang opisyal na resulta ng death certificate ng bata.
Kasalukuyang nakakulong ang kambal sa San Fernando City Police Station habang sasampahan sila ng kasong murder in relation to Republic Act 7610. (ES)
The post 4-anyos na bata, patay na nang matagpuang nakasilid sa loob ng isang eco bag appeared first on The Filipino Times.
Source: Fililpino Times

No comments:
Post a Comment