Isang ama ang walang habas na pinagsasaksak hanggang sa mamatay ang kanyang dalawang babaeng anak na edad dalawa at tatlong taong gulang sa Al Hafr District, Southern Badia sa Jordan.

Ayon sa ulat ng local media doon, walang awang pinagpirapiraso din ng ama ang bangkay ng kanyang mga anak.

Nangyari ang krimen nitong umaga ng Sabado, March 6.

RELATED STORY: Lalaki, pinatay at dinukot ang puso ng kapitbahay saka isinahog sa patatas

Unang ginilitan niya ng leeg ang kanyang dalawang taong gulang na anak at sinunod ang tatlong taong gulang.

Nadiskubrehan ang krimen ng kapatid ng suspek ng bumisita ito sa kanilang bahay at nadatnan ang kalunos-lunos na sinapit ng dalawang bata.

Paglalarawan niya, parang mga kinatay na kambing ang dalawa niyang pamangkin.

Tumawag siya ng pulis ngunit sabi niya na hindi na niya naabutan ang kanyang kapatid dahil bukas na ang pintuan ng kanilang bahay nung dumating siya.

READ ON: 4-anyos na bata, patay na nang matagpuang nakasilid sa loob ng isang eco bag

Hindi pa malaman ang dahilang kung bakit niya ito nagawa sa kanyang sariling mga anak.

Nagsagawa na ng imbestigasyon ang Jordanian Police tungkol sa nangyari at pinaghahanap na ngayon ang suspek.

Ayon sa ulat, may criminal record na ng drug trafficking at domestic abuse ang ama ng dalawang bata. (ES)

The post Ama, kinatay ang dalawang anak edad 2 at 3 sa Jordan appeared first on The Filipino Times.


Source: Fililpino Times

No comments:

Post a Comment