Pinasara ng Emergency, Crisis, and Disaster Management ng Ajman ang isang shopping mall matapos makita na hindi nito napigilan ang pagbuhos ng mga mamimili dahil sa sale na naganap kamakailan.
Pinagmulta din ng AED 5000 ang naturang shopping mall nang makita sa video na siksikan at hindi na napasunod ng management ng naturang mall ang mga tao sa patakaran ng UAE sa social distancing.
RELATED STORY: Kilalang hypermarket sa Sharjah, pinasara ng mga otoridad dahil sa overcrowding
Patuloy na pinapaalalahanan ng mga otoridad ang mga shopping malls at iba pang mga pamilihan na sundin ang mga pakataran ng gobyerno laban sa paglaganap ng COVID-19.
Binalaan din nila ang publiko na walang papalampasin na mga violations ang mga otoridad at magbibigay ito ng kaukulang parusa at multa sa mga mahuhuling hindi sumusunod sa mga patakaran, alang-alang sa kaligtasan ng mga publiko.
READ ON: Shisha cafe at salon sa Dubai, pinasara dahil sa overcrowding
Panoorin ang video dito:
ŁŲ±ŁŁ Ų§ŁŲ§Ų²Ł Ų§ŲŖ ŁŲ§ŁŁŁŲ§Ų±Ų« ŁŲ§ŁŲ·ŁŲ§Ų±Ų¦ بعج٠ا٠ŁŲŗŁŁ Ł ŲŁ ŁŁŲŗŲ±Ł Ł 5000 ŲÆŲ±ŁŁ ŲØŲ³ŲØŲØ Ų§ŁŲ§Ų²ŲÆŲŲ§Ł pic.twitter.com/xHvcvpyd9K
— ajmanpoliceghq (@ajmanpoliceghq) March 6, 2021
The post WATCH: Shopping center, pinasara at pinagmulta ng AED 5000 sa Ajman dahil sa overcrowding appeared first on The Filipino Times.
Source: Fililpino Times

No comments:
Post a Comment