Nailigtas ng Dubai Police ang tatlong bata, ang kanilang ina pati na ang kanilang kasambahay matapos tangkain ng ama na pasabugin ang bahay gamit ang cooking gas cylinder.
Nakatanggap ang ina ng tawag mula sa kasambahay na nagsasabing bumili ng gas cylinder ang kanyang asawang may problema sa pag-iisip. Nagbanta di umano ang lalaki na papasabugin niya ang bahay.
Dahil dito, sinabihan ng ina ang kasambahay na dalhin muna ang kanyang tatlong anak sa kapitbahay.
Tumawag na rin ang ina sa Dubai Police ukol sa mga pangyayari.
Sa pamumuno ni Brigadier Saeed bin Sulaiman ay pinuntahan ng Dubai Police ang villa kung saan huling huli nila ang lalaki na nakahawak na sa ligther at nakabukas na gas cylinder, ayon sa ulat mula sa mga otoridad.
Inabot ng dalawang oras ng pakikipagusap at negosasyon ang lalaki at ang pulisya bago mapakalma ang lalaki.
Kinumpirma naman ng ina na may malubhang karamdaman sa pag-i-isip ang kanyang asawa at dati nang nagpapagamot para maibsan ang sakit na kaniyang nararamdaman.
Ligtas naman sa kasalukuyan ang tatlong anak, ang ina at ang kanilang kasambahay sa tulong ng Dubai Police.
The post Pamilya, nailigtas ng Dubai Police matapos magtangkang pasabugin ng tatay ang kanilang tahanan appeared first on The Filipino Times.
Source: Fililpino Times

No comments:
Post a Comment