Ligtas na ang nag-viral na overseas Filipina worker (OFW) sa Saudi Arabia na nakaranas ng pangmamaltrato sa kamay ng kanyang amo.

Kasalukuyan na itong nasa pangangalaga ng Philippine Overseas Labor Office (POLO), ayon sa ulat ng GMA News.

Makikita sa isang viral video na kuha noong Sabado ng gabi kung paano itinulak ng lalaking amo ang Pinay habang nagluluto ito.

Mapapansin sa video ang sunod-sunod na pamamalo ng among lalaki habang sinisigawan niya ang Pinay. Hinahampas din sya nito ng walis.

Nakuhaan ng Pinay ang pangyayari gamit ang kanyang sariling cellphone.

Kwento nya, kinompronta siya ng kanyang mga amo matapos mag-viral sa social media ang video, kinumpiska rin umano ang kanyang telepono.

Pero nagdesisyong tumakas ang Pinay dahil sa muling pagtatangka umano ng amo na sya’y saktan.

Matapos makalayo sa bahay ng amo, nakita sya ng dalawang Arabo na syang tumulong sa kanya para tumawag ng pulis. Nadakip ang among lalaki at nakakulong na ito ngayon.

The post OFW na sinasaktan ng amo sa viral video, ligtas na appeared first on The Filipino Times.


Source: Fililpino Times

No comments:

Post a Comment