Arestado ang mga empleyado ng isang kompanya na nagtangkang magbigay ng suhol sa isang opisyal ng Abu Dhabi Police.
Inaresto noong Biyernes ang mga ito.
RELATED STORY: Businessman na nagpamudmud ng pekeng pera, pinakulong at pinagmumulta ng AED200,000
Ayon sa post mula sa Facebook page ng Abu Dhabi Police, inilahad ni Lt. Colonel Matar Madad Al Muhairi, head ng Anti-Corruption Department, na nagtangka na manuhol ang mga empleyado sa opisyal sa pag-aakala na babalewalain ang kanyang trabaho at magbibigay ng mga hindi totoong impormasyon sa mga otoridad.
Imbes na makalusot ay isinumbong sila sa Public Prosecution.
Sa isinagawang imbestigasyon, napatunayan na sila ay nagkasala nga at agad silang inaresto.
READ ON: Dubai tourist, kulong dahil sa pamemeke ng passport stamp
Pinuri naman ni Major General Faris Khalaf Ak Mazrouei, Commander-in-Chief ng Abu Dhabi Police, ang pagiging matapat ng mga pulis sa kanilang hanay at ang patuloy na paghuli sa mga lumalabag sa batas.
Nanawagan siya sa mga residente na huwag mag-atubiling ireport ang mga insidente ng kurapsyon sa numerong 8002626 o magpadala ng text message sa 2828.
The post Mga empleyado, nakulong matapos magtangkang manuhol sa pulis sa Abu Dhabi appeared first on The Filipino Times.
Source: Fililpino Times

No comments:
Post a Comment