Nasabat ng mga otoridad mula sa Dubai Customs ang mahigit 42 kilo ng marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng AED520,000.
Nakuha ang kilo-kilong marijuana mula sa isang African na pasahero sa Terminal 2 ng Dubai International Airport.
RELATED STORY: Ina, nireport ang anak na batak sa droga kasama ang nobyo sa UAE
Hinayag ng mga otoridad na naging kahina-hinala ang kilos ng nasabing pasahero kaya naman sinundan ito ng mga otoridad nang makalapag sa airport.
Pinigilan ng ilang mga otoridad ang lalaki at ipinagutos na sumailalim ito sa isang manual search.
READ ON: 3 lalaking naka-droga, nakulong at magmumulta ng AED 50,000 matapos subukang manghalay sa Abu Dhabi
Nakita ng isang customs inspector sa pamamagitan ng X-ray na nakatago ang marijuana sa bagahe ng suspek. Nang buksan ang bagahe, nakita ang ipinagbabawal na gamot na nakatago sa mga bag ng red pepper.
Kinumpirma naman ng mga forensic experts na marijuana nga ang nakalagay sa mga lalagyan.
Ang pasahero ay nasa kamay na ng mga otoridad at haharap sa mga kaso, isang patunay na walang pinalalagpas ang UAE pagdating sa ipinagbabawal na droga.
Source: Fililpino Times

Thank you because you have been willing to share information with us. we will always appreciate all you have done here because I know you are very concerned with our. Dab rig with build in torch
ReplyDeleteWhen your website or blog goes live for the first time, it is exciting. That is until you realize no one but you and your. Weed Near Me
ReplyDelete