Arestado ang isang 46-taong gulang na lalaki dahil sa pagpatay nito sa kanyang kasama sa kwarto.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nagmukhang nahulog lamang mula sa taas ng bunk bed ang biktima at naumpong na una ang kanyang mukha sa lapag.
Noong una’y sumugod ang mga otoridad mula sa criminal investigation department at ilang mga crime scene experts ng Dubai Police sa Al Muhaisnah at nakita ang duguang katawan ng biktima na tinatayang nasa edad 30 pataas.
RELATED STORY: Batang naiwan sa loob ng sasakyan, natagpuang patay sa Dubai
Nasaksihan nila na puno ng dugo ang katawan at lapag mula sa bitkima.
Mula sa masusing imbestigasyon ng mga forensic experts – nakita nila na may dalawang tama ito sa ulo at nabali ang braso nito, na naging dahilan para maging krimen ang kaso.
Napagalaman ng mga otoridad na inakyat ng suspek ang kaniyang kasama sa kwarto at paulit-ulit na hinampas ang ulo hanggang sa mamatay.
Matapos ito’y nagawa pang tawagan ng suspek ang emergency number matapos di umano mahulog ang kanyang kasama sa kwarto mula sa kama.
READ ON: 4-anyos na bata, patay na nang matagpuang nakasilid sa loob ng isang eco bag
Nagsinungaling ang suspek nang sabihin nito na umalis siya sa kwarto at nakita na lamang na patay na ang kanyang kaibigan. Pero nakita ng mga otoridad na may dugo ang t-shirt nito na siyang nag tugma sa dugo ng biktima.
Nang ipakita sa suspek ang mga ebidensya, binunyag nito na siya nga ang pumatay sa biktima at tinapon nito ang ginamit niyang pampukpok sa ulo sa basurahan.
Ayon pa sa mga otoridad, ang naging puno’t dulo ng away ng dalawa ay dahil sa utang.
Ang kaso ng suspek ay nasa Public Prosecution na sa ngayon.
The post Lalaki, pinatay ang tulog na kasama sa kwarto sa Dubai dahil sa utang appeared first on The Filipino Times.
Source: Fililpino Times

No comments:
Post a Comment