Usap-usapan sa social media ang cryptic post ni Claudine Baretto sa Instagram nitong Huwebes.

“I would rather be known in life as an honest sinner than a lying hypocrite,” ang sabi ng aktres. May caption pa si Claudine dito na #Sideswipe.

Hindi naman tinukoy ng beteranang aktres kung sino ang tinutukoy niya sa kanyang social media post.

Tila naging guessing game sa mga netizens ang post na karamihan ay nagsasabing ang kanyang pamangkin na si Julia Baretto ang pinapasaringan nito.

“Para kay Julia Barretto?” komento ng isang netizen habang ang ilan naman ay nagbiro pa na i-tag na mismo ni Claudine ang pamangkin.

Matatandaang matagal nang may hidwaan ang Baretto sisters na lumala pa noong October 2019 sa libing mismo ng kanilang ama.

Samantala, trending topic naman nitong nakaraang linggo si Julia Baretto matapos aminin ang relasyon nila ng actor na si Gerald Anderson.

Idinadawit si Julia sa hiwalayan ni Gerald at ng ex nito na si Bea Alonzo na sinusuportahan naman ni Claudine at Gretchen Barreto.

IG post:

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto)

The post ‘Honest sinner vs lying hypocrite’: Claudine, pinapatamaan nga ba ang pamangkin nyang si Julia Barretto? appeared first on The Filipino Times.


Source: Fililpino Times

No comments:

Post a Comment