Agad na sumaklolo ang Dubai Police sa isang buntis na African tourist matapos siyang magoyo ng isang scammer mula sa kanilang bansa.

Ayon sa Emarat Al Youm, kinuha ng scammer ang passport ng buntis at ng isa pa niyang kasamahan, tangay pa ang pera nilang dalawa na nagkakahalaga ng $6,000 (AED22,038.36).

Pinangakuan sila na makukuhanan ng visit visa patungong Germany, ayon sa ulat ni Brigadier General Ahmed Thani bin Ghalita, Director ng Al Raffa Police Station.

RELATED STORY: Teenager, hinanap ng ama kasama ng Dubai Police matapos itakas ang sasakyan

Kinuha din ng scammer ang marriage certificate ng mag-asawa na nagpalala pa sa kanyang sitwasyon.

Nanganak ang babae sa isang ospital sa Dubai na walang maipakitang marriage certificate.

Sa UAE, maaaring makasuhan ang sinumang babae na manganak nang hindi pa ikinakasal.

Ang agarang pagrereport sa mga pangyayari at pagtugon ng Al Raffa Police Station ang naging susi para mabilis ding mahuli ang scammer.

Napapirma nila ito at nangako na ibabalik ang pera at mga dokumento na kanyang kinuha.

READ ON: Dubai Police recover stolen diamonds inside hotel within four hours

Ayon kay Brig. Gen. Bin Ghalita, isa sa prayoridad ng kanilang estasyon ang victim care department at mayroon din silang monitoring sa mga mental health ng mga biktima upang matulungan silang maibsan ang kanilang dinadamdam.

Natulungan ng kanilang departamento ang nasa 9,360 na mga biktima nitong nakaraang taon.

Noon 2019, nanalo ang kanilang departamento ng Commander-in-Chief Award for Victim Care kung saan nasa 11,882 na mga biktima ang kanilang natulungan. (ES)

The post Dubai Police, sumaklolo sa buntis na turistang biktima ng scam appeared first on The Filipino Times.


Source: Fililpino Times

No comments:

Post a Comment