Sampung katao ang nasugatan matapos bumangga sa isang metal barrier ang kanilang sinasakyang bus habang binabaybay ang Umm Suqeim Road sa Dubai.

Ayon sa otoridad, nakatulog ang drayber habang nagmamaneho nito bandang alas sais ng umaga.

Dahil dito, nawalan siya ng kontrol sa bus at nangyari nga ang aksidente sa may Zayed Bin Hamadan Al Nahyan roundabout papuntang Sheikh Zayed Road, ani Brig. Saif Muhair Al Mazrouei, direktor ng General Department ng Traffic Police.

Dagdag ni Al Mazrouei wala umanong sapat na pahinga ang driver kaya ito nakatulog at muntikan ng ikapahamak ng mga lulan niyang pasahero.

Dahil dito nanawagan si opisyal sa mga kompanya na makipag-usap sa kanilang mga drayber upang masiguro na naiintindihan nila ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sapat na pahinga bago bumiyahe. (ES)

The post 10 pasahero, sugatan matapos sumalpok sa metal barrier ang bus sa isang kalsada sa Dubai appeared first on The Filipino Times.


Source: Fililpino Times

No comments:

Post a Comment